MANILA, Philippines - Humihingi ngayon ng hustisya ang isang Pinay matapos na umano’y gahasain ng kanyang mga Indian superior sa loob ng kanyang pinapasukang cruise ship habang naglalayag kamakailan.
Ayon sa report, nagÂhain na ng reklamo sa KonÂsulado ng Pilipinas sa Hong Kong ang 32-anyos na Pinay na itinago muna ang pagkakakilanlan na nagtatrabaho bilang security guard sa MV Costa Classica, isang Indian flagged vessel na pag-aari ng Costa Crociere.
Sa isang liham ng kanyang abogado na si Pedro Linsangan na ipinadala sa isang pahayagan, ang kanyang Pinay na kliyenÂte ay ginahasa umano habang lulan sa nasabing cruise ship noong Pebrero.
Ang dalawang Indian na suspek sa panghahalay ay kinilalang sina Joseph Chacko, chief security officer at Anoop Palatty, asÂsistant chief security officer sa nasabing barko.
Sa kanyang sinumÂpaang salaysay, sinabi ng Pinay na habang siya ay naka-duty at nagpa-patrol dakong alas-11:00 ng gabi sa crew area ng barko noong Pebrero 19, 2012 nang taÂwagin siya ng kanyang ship-in-charge security officer na si Mohammed Riyaz upang mag-report sa kanilang security office.
Dito, inabutan umano niya sa nasabing tanggapan ang dalawang suspek na umiiÂnom ng alak at dito umano siya unang pinakitaan ni Palatty ng “indecent advances†kaya napilitan umano niyang lisanin ang nasabing tanggapan.
Bago maghating-gabi, muli umano siyang ipinaÂtawag ng kanyang superior at dito ay sa cabin na ni Chacko. Inisip ng biktima na para sa trabaÂho ang ipagagawa kaya agad siyang nagtungo sa cabin at nasorpresa siya nang makita ang dalawang suspek na patuloy na nag-iinuman.
Tinalakay umano nila ang security procedures at sa nakatakdang staff evaÂluation kung saan sinabi na posibleng i-rehire siya dahil may gusto umano sa kanya si Chacko at kailaÂngan lang na mapasaya nito ang huli.
Pinuwersa umano siya ni Chacko at sinubukan niyang manlaban subalit nagahasa umano siya nito.
Ini-report umano ng Pinay sa ship captain na si Italian Pierre Paulo Gallastroni ang pang-aabuso sa kanya at sinabihan siyang gumawa ng opisyal na salaysay.