MANILA, Philippines -Upang mapabilis ang gagawing pagsisiyasat ay hinikayat ni House Committee on Overseas and Workers Affairs Chairman at Akbayan PartyÂlist Rep. Walden Bello ang mga Pinay workers na biktima ng “sex for fly†na tumulong sa gagaÂwing imÂbestigasyon ng Kamara.
Giit pa ni Bello na kailangan nila ang kooÂperasyon ng mga biktima upang mapanagot sa lalong madaling panahon ang mga opisyal ng PhiÂlippine Overseas Labor Office (Polo), Overseas Workers Welfare Administration(OWWA) sa Middle East na sangkot sa “sex for fly†sa mga OFW na nais makauwi ng bansa.
Karaniwan umanong nabibiktima ng “sex for fly†ay ang mga OFW na nahihirapan sa kanilang trabaho o nakakaranas ng karahasan sa mga amo at para makauwi ng bansa ay inaalok ng mga opisyal na makipagtalik kapalit ng tiket pabalik.