MANILA, Philippines -Pinagbabaril ng mga hindi pa kilalang lalaki ang isang ama sa harap ng dalawa nitong anak habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay sa Brgy.San Francisco, Sunny Brooke 1 Subdivision, Gen. Trias, Cavite kamakalawa ng gabi.
Namatay noon din ang ama na si Ernesto Macatangga, 45-anyos, may-asawa, trader, habang malubhang nasuÂgatan ang 11-anyos nitong anak na Julie Anna na tinamaan ng ligaw na bala habang nakaligtas ang anak nitong 18-anÂyos na si John Paulo Macatangga, pawang mga residente ng Section 3, Blk 6, Lot 27 ng nasabing subdivision.
Batay sa ulat, ganap na alas-8:15 ng gabi ay magkakasamang naglaÂlakad ang mag-aama sa loob ng kanilang subdivision pauwi sa kanilang bahay nang harangin ito ng isang lalaki na naka-helmet at sakay ng motorsiklo.
Nilapitan nito ang biktima at walang sabi-sabing pinagbabaril ang matandang Macatangga na kung saan ang ilan bala ay tumama sa anak.
Nang masigurong patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo na hindi naplakahan.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo nang pagpatay sa biktima.