MANILA, Philippines -Ipaglalaban ng gobÂyerno ang kalayaan ng bansa mula sa ibang bansa na nagbabalak manghimasok sa sobeÂrenya ng Pilipinas.
Ito ang siniguro kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang mensahe sa ginanap na ika-115 Araw ng Kalayaan na ginanap sa bantayog ni Gat. Andres Bonifacio sa Maynila.
Ayon sa Pangulo, kailan man ay hindi titiklop ang bawat Filipino upang ipagtanggol ang ating teritoryo mula sa mga nagbabalak na yurakan tayo.
Aniya, walang ibang hinihingi ang mga Filipino kundi igalang ng ibang bansa ang ating soberenya, teritoryo at pagkatao tulad din ng paggalang natin sa kanila.
Sinabi pa ng chief executive, wala sa lahi ng mga Filipino ang pagiging agresibo at hindi nagpapadalos-dalos sa mga hakbang.
“Wala naman taÂyong ibang pakay kundi ang pangalagaan ang tunay na sa atin. Hindi natin tinatapakan ang karapatan ng iba. Hindi natin inaangkin o sinasaklaw ang teritorÂyong malinaw namang nasa bakod ng iba. Wala taÂyong minamaliit. Wala tayong inaapi. Wala sa kasaysayan natin ang manakit o gumawa ng anumang hakbang para magtanim ng sama ng loob ang ibang nasyon,†wika pa ni P-Noy.