^

Police Metro

Pinoy hindi uurong na ipagtanggol ang teritoryo sa mga nagbabalak na yumurak

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines -Ipaglalaban ng gob­yerno ang kalayaan ng bansa mula sa ibang bansa na nagbabalak manghimasok sa sobe­renya ng Pilipinas.

Ito ang siniguro kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang mensahe sa ginanap na ika-115 Araw ng Kalayaan na ginanap sa bantayog ni Gat. Andres Bonifacio sa Maynila.

Ayon sa Pangulo, kailan man ay hindi titiklop ang bawat Filipino upang ipagtanggol ang ating teritoryo mula sa mga nagbabalak na yurakan tayo.

Aniya, walang ibang hinihingi ang mga Filipino kundi igalang ng ibang bansa ang ating soberenya, teritoryo at pagkatao tulad din ng paggalang natin sa kanila.

Sinabi pa ng chief executive, wala sa lahi ng mga Filipino ang pagiging agresibo at hindi nagpapadalos-dalos sa mga hakbang.

“Wala naman ta­yong ibang pakay kundi ang pangalagaan ang tunay na sa atin. Hindi natin tinatapakan ang karapatan ng iba. Hindi natin inaangkin o sinasaklaw ang teritor­yong malinaw namang nasa bakod ng iba. Wala ta­yong minamaliit. Wala tayong inaapi. Wala sa kasaysayan natin ang manakit o gumawa ng anumang hakbang para magtanim ng sama ng loob ang ibang nasyon,” wika pa ni P-Noy.

ANDRES BONIFACIO

ANIYA

ARAW

AYON

IPAGLALABAN

KALAYAAN

PANGULONG BENIGNO AQUINO

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with