^

Police Metro

Mga magsasaka ng Hacienda Luisita kinalampag ang Korte Suprema

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -Sinugod ng mga magsa­saka mula sa Hacienda Luisita sa Tarlac ang Korte Suprema at hiniling na mai­patupad na ang desisyon kaugnay sa pamamahagi ng lupaing pag-aari ng angkan ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ang pagkilos ay kasa­­bay ng paggunita sa ika-112 anibersaryo ng Kor­te Suprema at isang araw matapos ang ika-25 aniber­saryo ng CARP.

Umapela ang mga mag­sasaka sa Korte Suprema na atasan nito ang Department of Agrarian Reform o DAR na madaliin ang pamamahagi ng lupain ng Hacienda.

Inirereklamo rin nila kung bakit umabot ng halos 70 libong piso ang valuation sa landholding, gayong ang orihinal na land valuation nito noong 1989 na siyang pinagbatayan ng just com­pensation na iniutos ng Korte Suprema ay aabot la­mang sa P40,000.

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

HACIENDA LUISITA

INIREREKLAMO

KORTE SUPREMA

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SHY

SINUGOD

SUPREMA

TARLAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with