Ex-cop arestado sa drug bust

MANILA, Philippines -Isang dating pulis ang nadakip ng mga ahente ng PDEA matapos na mahulihan ng pitong piraso ng plastic sachet ng shabu at marijuana, drug paraphernalia, dalawang baril at mga bala sa kanyang bahay sa Quezon City matapos na salakayin kahapon.

Ang suspek ay nakila­lang si Ramon Estrella, dating nakatalaga sa Quezon City Police District, na natanggal sa serbisyo matapos na umano’y ma-AWOL (absent without leave).

Batay sa ulat, dakong alas-12:00 ng hatinggabi nang salakayin ng mga otoridad ang bahay ng suspek sa Barangay Holy Spirit matapos na makatanggap ng impormasyon kaugnay sa talamak na pagbebenta ng droga sa lugar.

Show comments