MANILA, Philippines -Naisipan ng isang 26-anyos na daÂlaÂgang ina na tapusin ang buhay sa paÂmamagitan nang pagtalon mula sa ika-3 palapag ng Dr. Jose Fabella Memorial Maternity Hospital sa Sta. Cruz, MayÂnila dahil sa hindi makayanang mga problema sa buhay tulad nang pangaÂnganak ng walang asawa, walang pera na pambayad at hindi normal ang konÂdisyon ng sanggol, naganap kahapon ng umaga.
Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa nasabing ospital ang biktimang si JeÂnexy Allosa, ng no. 68 Road 12, NDC Compound, Sta. Mesa, Maynila.
Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga nang gawin ng biktima ang pagÂtalon mula sa nasabing palapag ng ospital na kung saan ay huling nakitang buhay ito dakong alas-3:00 ng madaling-araw na kumakain.
Nabatid na walang asawa ang bikÂtima na nabuntis lang nobyo at wala ding trabaho dahil sa bagong graduate lang sa kursong management sa Jose Rizal University at ang sanggol niya ay nasa incubator.
Mahigit 10 araw nang nasa paanakan ang biktima dahil hindi pa puwedeng ilabas ang baby boy na nakasalang sa incubator mula noong Mayo 31.