Libre ang sakay ngayon sa LRT

MANILA, Philippines -Magbibigay ng lib­reng sakay sa tren ang Light Rail Transit Autho­rity (LRTA) sa mga piling oras ngayong araw bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, na isang regular holiday sa bansa.

Ayon sa LRTA, na ang libreng sakay sa LRT ay
mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Ang  LRT Line 1 ang nag-uugnay sa Roose­velt, Quezon City at Bac­­laran sa Parañaque City habang ang LRT Line 2 naman ang nag­du­dugtong sa C.M.
Rec­to Ave­nue sa May­nila at San­tolan sa Pasig City.

Show comments