Lalaki nabuwal sa pag-akyat ng ligaw, todas

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang 56-anyos na lalaki matapos itong mabuwal at humampas ang mukha sa semento habang aak­yat sana ng ligaw sa isang babae na kanyang napu­pusuan naganap kahapon ng umaga sa Malabon City.

Ang nasawi ay ki­ni­­la­­­lang si Leandro Gatica, ng Sitio Rosal, Ba­ran­gay Maysilo ng natu­rang lung­sod.

Sa salaysay ng isang Lourdes Toralba, 39, ng Hernandez St., Ba­ran­gay Catmon na dakong alas-11:00 ng gabi ay aakyat sana ng ligaw sa kanya ang biktima na noon ay lasing.

Habang paakyat na sa hagdanan ng bahay ni Lourdes ay nabuwal ito at humampas ang mukha semento.

Inalalayan ni Toralba ang biktima at habang nakaupo ay inaya sa loob ng kanilang bahay, subalit tumanggi ito at nagsabing uuwi na lang.

Nang hindi makum­binsi ang biktima na pu­masok ng bahay ay iniwan ito ni Lourdes hanggang sa makatulog.

Bandang alas-5:00  ng umaga ay nakita ang biktima na patay na ha­bang nakaupo kung saan ito iniwan ni Lourdes.

Show comments