Trak sumalpok sa puno, 2 dedo

MANILA, Philippines - Aksidenteng sumalpok sa puno ng niyog ang isang trak na ikinamatay ng dalawang katao at pagkasugat ng malubha ng isa pa naganap kahapon ng madaling-araw sa national highway ng Brgy.Lungib, Calauag, Quezon.

Ang mga nasawing biktima ay kinilalang sina Emmanuel Marquez, driver at Ligaya Arida ha­­bang malubha namang nasugatan ang helper na si Teodorico Anabo.

Batay sa ulat, bandang ala-1:30 ng madaling-araw ay kasalukuyang minamaneho ni Marquez ang Isuzu truck (ZGG 221) na puno ng kargang nasa 1000 sako ng semen­to patungo sana sa Cavite nang mawalan ito ng kontrol sa manibela nang masiraan ng preno.

Kaya’t tuluy-tuloy na sinalpok ng trak ang ilang puno ng niyog sa tabi ng highway na ikinasawi ng mga ito.

Show comments