Pinag-aaralan na ng Pangulo... Pagpapauwi sa 300 Pinoy peacekeepers
MANILA, Philippines - Matapos aminin ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dilekado na ang lagay ng may 300 Pinoy peacekeepers sa Golan Heights, kaya pinag-aaralan na ngayon ng Malacañang ang pag-pullout at pagpapauwi sa kanila sa Pilipinas.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, pinag-aaralan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang rekomendasyon na pauwiin na ang mga Pinoy peacekeepers sa Golan Heights dahil sa mapanganib na kanilang kinakaharap sa nasabing bansa.
“The recommendation to pullout the peacekeeper contingents from the Philippines is under study,†wika pa ni Valte.
Magugunita na mismong ang DFA ang nagsabi na tumitindi na ang sitwasyon sa Golan Heights at nasa panganib na ang mga Pinoy peacekeepers duon na nasa boarder ng Israel at Syria.
Ito ay matapos na masugatan ang isang sundalong Pinoy peacekeeper nang ma-trap at mabaril sa bakbakan sa pagitan ng Syrian rebels at security forces sa nasabing border noong Huwebes.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, ang pagkakasugat ng isang Pinoy peacekeeper ay muling nagpapatunay na matindi na ang bakbakan sa Golan Heights kung saan kailangan nang i-pullout ang mga Pinoy observers.
Magugunita na una nang inirekomenda ni FoÂreign Affairs Sec. Albert del Rosario kay Pangulong BeÂnigno Aquino III na i-pullout ang lahat ng Pinoy peacekeepers sa Golan Heights dahil sa dalawang magkakasunod na pagkakadukot sa kanila.
- Latest