Ex-mayor, treasurer kulong ng 18 taon

MANILA, Philippines - Labing-walong taong pagkabilanggo ang inihatol ng Sandiganbayan sa dating Mayor ng Tayug, Pangasinan at kanyang municipal treasurer dahil sa maanomalyang paglustay ng P787,700 pondo ng gobyerno noong 2001.

Sa 19-pahinang desisyon na nilagdaan ni  Associate Justice Rodolfo Ponferrada at pinagtibay nina Associate Justices Efren De La Cruz at Rafael Lagos ng anti-graft court’s First Division, napatunayang guilty si dating Pangasinan Mayor  Marius Ladio at OIC-municipal treasurer Virgilio Arquero sa kasong  Malversation of Public Funds (Article 217, Revised Penal Code) dahilan sa maanomalyang paglustay sa naturang pondo.

Bukod sa kulong, pinasosoli din ng graft court kina Ladio at Arquero ang halagang Php787,700 dahil sa nagawang kasalanan at hindi na rin ang mga ito pinapayagang humawak ng anumang puwesto sa gobyerno.

Show comments