MANILA, Philippines - Sa sandaling mapatunayan umano sa imbesÂtigasyon na nagkaroon ng mabigat na lapses ang Cebu Pacific Airlines at mga tauhan nito matapos mag-overshoot ang kanilang eroplano sa Davao International Airport ay maaaring kanselahin ng Kongreso ang prankisa nito.
Ito ang inihayag ni Davao City Rep. Karlo Alexie Nograles at posible rin umano na maharap sa kasong kriminal ang mga piloto ng Cebu Pacific na sangkot sa insidente.
Giit ng mambabatas, seryosong negosyo ang pagpapatakbo ng commercial airline at nangaÂÂngailangan ito ng meÂtiÂkulosong pagpili ng mga kukuning tauhan at resources.
Sinabi pa ni Nograles na hindi daat idaan sa tsamba dahil buhay ng maÂraÂming pasahero ang nakataya dito.