^

Police Metro

Colonel na protector ng shabu lab, naaresto na

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos na ibaba ang hatol ng habambuhay kay Supt. Dionisio Borromeo na guilty sa kasong pagbibigay ng proteksyon sa isang shabu laboratory sa Naguilian, La Union ay nadakip na ito kahapon matapos na isilbi ang warrant of arrest.

Kinumpirma ni CA­LABARZON Police Director P/Chief Supt. Benito Estipona na bandang alas-10:00 ng umaga kahapon nang isilbi ang warrant-of- arrest laban kay Borromeo sa tanggapan nito sa Camp Pantaleon, Garcia sa Imus, Cavite.

Magugunita na si Borromeo, Deputy Director for Administration ng Cavite PPO ay hinatulan ni Judge Ferdinand Fe, 1st  Judicial Region Branch 67 ng Bauang, La Union kamakalawa ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo at pinagmumulta rin ng P10M.

Habang ang kasabwat nitong si SPO1 Joey Abang ay pinatawan naman ng 20 taong pagkakakulong at P500,000 bayad pinsala sa kaso.

Matapos ibaba ng korte ang hatol ay bolun­taryong lumantad si Borromeo sa opisina ni Cavite PPO Provincial Director P/Sr. Supt. Alexander Rafael kamakalawa pasado alas-5:00 ng hapon sa pag­­sasabing hindi niya ta­takasan ang kaso.

vuukle comment

ALEXANDER RAFAEL

BENITO ESTIPONA

BORROMEO

CAMP PANTALEON

CAVITE

CHIEF SUPT

DEPUTY DIRECTOR

DIONISIO BORROMEO

JOEY ABANG

LA UNION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with