MANILA, Philippines -Nakatagpo ng katapat sa pagtakbo ng mabilis ang isang 24-anÂyos na snatcher matapos itong abutan ng mag-inang Chinese na inagawan nito ng digicam kahapon ng umaga sa Intramuros, Maynila.
Ang suspek na naÂaresto at nakatakdang sampahan ng kasong snatching ay nakilaÂlang si Mark Magayones, miyembro ng Bahala na Gang at residente ng Blk. 17, Baseco Compound, Port Area, Maynila.
Batay sa ulat ni SPO1 Erwin Lacuesta ng Manila Police District (MPD)-District Traffic Enforcement Unit, dakong alas-7:00 ng umaga nang naganap ang insidente sa Katigbak Drive, Intramuros, Maynila.
Nabatid na naglaÂlakad ang mag-inang Shi Qwan Zheu at anak nitong si Ying Fei Qi, 28 ng Tune Hotel sa A. Mabini St., Manila nang hablutin ng suspek ang hawak nitong Sony Cybershot digicam at saka tumakbo papalayo.
Hindi naman piÂnanghinaan ng loob ang mag-ina at hinabol ang suspek hanggang sa nakorner nila sa may Anda circle.
Tiyempo na napadaan sa lugar si SPO1 Lacuesta kaya tumulong din ito sa paghahabol na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
“Nakita kong hinahabol ng mag-ina ang lalaki kaya nakiÂpaghabulan na rin ako. Buo ang loob ng mag-ina dahil tinanggal pa ng babae ang kanyang sapatos at mabilis na hinabol ang suspek†ani Lacuesta.