Lalaki tumalon sa ilog Pasig

MANILA, Philippines - Nagpakamatay sa pa­mamagitan ng pagtalon sa ilog Pasig ang isang lalaki na inilarawan na nasa pagitan ng edad 25-35, may taas na 5’6” hanggang 5’9”, maputi ang kulay ng balat, maganda ang pangangatawan at nakasuot ng kulay puting t-shirt at checkered na shortpants.

Sa ulat, tumalon ang biktima sa pagitan ng alas-10:00 at alas-11:00 ng umaga sa McArthur bridge, ba­hagi ng Madrigal Compound, Binondo, Maynila.

Ayon sa mga saksing sina Jomar Rivera, 18; Jo­shua Mateo, 14 at Miguel Agner, 14, nangangalakal sila malapit sa nasabing lugar nang napansin nila ang biktima na palakad-lakad at hindi mapakali sa pabalik-balik sa tulay hanggang sa makitang bigla itong tumalon.

 

 

Show comments