MANILA, Philippines - Hindi na pinaabot sa himpilan ng pulisya ang isang hinihinalang holdaper nang ito ay pagÂtulungang bugbugin at saksakin ng galit na taumÂbayan na huÂmabol dito maÂkaraang holÂdapin ang mga pasahero ng isang bus, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Ang suspek na nasaÂwi ay nakilalang si Ariel Chentes, 38 ng 34 Block 17 Saint Cecille St., MariÂcaban, Pasay sanhi ng mga tinamong tama ng saksak sa katawan.
Arestado naman ang hiÂnihinalang kasamahan ni Chentes na si Bernardo Ylanan, 54-anyos, ng Pio del Pilar, Makati City na tumanggi sa akusasyon at sinabing pasahero rin siya ng bus na naholdap at kasama sa humabol sa mga totoong holdaper.
Nasugatan naman ang traffic enforcer na si DarÂvin Pasilona, 33-anyos, miÂÂyembro ng Pasay Traffic Management Office, makaÂraang tamaan ng bala sa kaliwang kamay matapos na mamaril ang mga holÂdaper.
Batay sa ulat, dakong alas-7:30 kamakalawa ng gabi nang magdeklara ng holdap si Chentes at isa pang kasamahan na kapwa armado ng baril sa loob ng Gasat/Valino Express bus sa kahabaan ng EDSA.
Matapos malimas ang pera at mahahalagang gamit ng mga pasahero ay tuÂmakas ang mga ito na kung saan ay agad na nakahingi ng saklolo ang mga pasahero sa mga traffic enforcers sa lugar kaya nagÂkaroon ng habulan at dito ay tumulong sa paghabol ang iba pang lalaki sa lugar kaya nagpaputok ang mga holdaper.
Minalas na inabutan ng mga galit na taumbayan si Chentes at pinagtulungang gulpihin habang inaalam pa kung sino ang sumaksak.