MANILA, Philippines - Kamatayan ang reÂsulta nang ginawang panlalait ng isang amain sa inihaÂhandang pagkain sa tanghalian ng kanyang stepson nang siya ay saksakin nito kahapon sa Navotas City.
Ang biktima na namatay noon din dahil sa tiÂnaÂmong dalawang tama ng saksak sa dibdib ay kinilaÂlang si Gregorio Diego, 46, ng Old Fish Port, Barangay North Bay Boulevard North ng natuÂrang lungsod.
Ang suspek na tumaÂkas ay nakilalang si Roefer Evangelista, 20, residente ng nasabing lugar.
Batay sa ulat, alas-12:00 ng tanghali ay lasing na umuwi ang biktima sa bahay nang maabutan nitong naghahanda ng paÂnanghalian ang suspek.
Nilait umano ng biktima ang pagkain na inihahanda ng suspek at hindi pa nasiyahan ay pinagmumura pa.
Nairita ang suspek at nagdilim ang paningin kaya kumuha ito ng patalim at pinagsasaksak ang amain.