School principal, tinodas

MANILA, Philippine s- Todas ang isang school principal matapos barilin malapit sa bahay nito sa Bulanao Norte, Tabuk City, Kalinga, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Alvino Lupnacan, 50 punong guro ng Cawagayan National High School, may-asawa ng Purok 3, Bulanao Norte, Tabuk City.

Ayon sa report, ang pagbaril at pagpatay sa principal ay naganap dakong alas-9:55 ng gabi nang lumabas ito ng kanyang bahay.

Maliligo sana sa irigasyon ang biktima, may 15 metro ang layo sa kanyang bahay ng barilin ng hindi pa nakikilalang suspek.

Nagawa pang maisugod ang biktima sa Almora General Hospital ng kanyang mga kaanak pero idineklara ding dead-on-arrival. Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy at madakip ang salarin sa krimen.

Show comments