MANILA, Philippines - Limang katao ang naiulat na nasawi sa naganap na suÂnog sa isang kabahayan kaÂhapon ng maÂÂdaling-araw sa Las Piñas City.
Sa sketchy report ng Las Piñas City Fire DeÂpartÂment, kinilala ang mga nasawing sina Erlinda Bautista, nasa hustong guÂlang, naÂÂtagpuan malaÂpit sa banyo ng bahay sa J. VillaÂnueva ComÂpound, 3rd Street, BaranÂgay AlaÂÂÂmanza Uno; RoÂdel Cunanan; Alvin LuÂlen; Rogelio Gunamet at isang hindi pa nakikiÂlalang biktima na pawang mga residente sa lugar.
Batay sa ulat, daÂkong ala-1:50 ng maÂdaling-araw nang magÂsimula ang sunog sa piÂnauupahang kuwarto ni Bautista na mabilis kumalat at kaÂsaÂma sa nasunog ang apat pang biktima.
Tinatayang aabot sa P1 milyong halaga ng mga ari-arian ang naabo at base sa report ay umabot sa ikatlong alarma ang naturang insidente.
Halos mahigit isang oras bago naapula ng mga bumbero ang sunog na kung saan ay patuloy ang pagsisiyasat sa piÂnagÂÂsiÂmulan ng sunog.