MANILA, Philippines - Hihikayatin ni QC Vice Mayor Joy BelmonÂte ang mga business establishment na iprayoridad na mabigyan ng trabaho ang mga taga-lungsod.
Ang hakbang ay bahaÂgi ng poverty alleviation program ng tanggapan upang makatugon ang mga taga-QC sa kasalukuyang estado ng pamumuhay sa bansa.
Sinabi ni Belmonte na siya ay magpapatupad ng isang batas sa lungsod na maipatupad ang natuÂrang hakbang gayundin ay bibigyan ng insentibo ang mga business owners na magbibigay ng trabaho sa mga taga lungsod.
“Sa ibang lokalidad dito sa Metro Manila, tulad sa Parañaque, Taguig, Makati at iba pa ay prioÂrity nila ang kanilang mga consÂtituents na mabigyan ng trabaho kaya naman ganito din ang ating gagawin sa QC para hindi na magpunta pa at magtrabaho sa mga kalapit lungsod ang ating mga kababayan sa lungsodâ€pahayag ni Belmonte.