MANILA, Philippines - Wala pa rin indiÂkasyon ang puÂlisya sa naganap na pagsabog sa Two Serendra Condominium sa Bonifacio Global City, Taguig City ay gawa ng bomba.
Ito ang inihayag ni Interior and Local Gov’t Secretary Mar Roxas sa patuloy na isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad na kung saan ay tatlong katao ang nasawi at pagkasugat ng limang iba pa na naganap kamakalawa ng gabi.
Ang tatlong nasawi ay kinilalang sina Salvador Natividad, 41; driver ng Abenson ApplianÂces delivery van at mga pahiÂnante na sina Marlon Badiola, 29; at Jeffrey Umali, 33 na nabagsakan ng maÂlaking tipak ng pader mula sa sumabog na 501 unit sa naturang condominium.
Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Angelito San Juan, nasa hustong guÂlang, nanunuluyan 501 Unit, Two Serendra, na matatagpuan sa 11th Avenue, Global City Fort Bonifacio, TaÂguig City; Allen Poole, isang American citizen, nanunuluyan naman sa Room 603 ng naturang conÂdominium; batang baÂbae na si Louise Lorenzo, 9-anyos; Janice NiÂcole Bonjoc at April Joy Garcia, 19, na dinala sa Saint Luke’s Hospital GloÂbal City.
Ayon kay Roxas, tatÂlong teams ng bomb snifÂfing dogs ang gumaÂlugad sa crime scene, suÂbalit wala pang nakitang palatandaan ng bomba at wala ring natagpuang triggering mechanism ang mga imbestigador.
Inihayag nito na hindi pangkaraniwan ang pagÂsabog at masusi niyang pinatutukan sa PNP ang imbestigasyon upang mabigyang linaw ang kaso.
Batay sa ulat, bandang alas-8:00 ng gabi nang yanigin ng malakas na pagÂsabog ang ikalimang palapag sa Unit 501- B ng Two Serendra condomiÂnium kung saan nadamay rin sa pinsala ang sampu pang katabi nitong unit.
Sinabi pa ng opisyal na ang blast site bilang ‘crime scene’ ay ipre-preÂÂserba muna haÂbang patuloy ang imbestigasyon at pangaÂngalap ng ebidensya sa pagsabog.