^

Police Metro

Responsableng waste management ipinatupad sa Sarangani Bay Fest

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa kabila ng kasiyahan sa idinaos na Sarangani Bay (SarBay) Festival nitong Mayo 24 at 25, tone-tonelada namang basura ang naiwang nakakalat sa dalampasigan ng Gumasa Cove sa Sarangani matapos ang kapis­tahan.

Naging mabilis naman ang mga organisador ng  SarBay, Regional Office ng Department of Tourism at Provincial Government ng Sarangani, na nakipagtulungan sa Sagittarius Mines, Inc. (SMI) sa pag­lilinis nitong Mayo 26 kaya napulot ang mga bote, plastik at lalagyan ng pagkain na nakakalat sa dalampasigan ng Barangay Gumasa.

Nakolekta ng 168 boluntaryo na binubuo ng mga empleyado ng SMI, residente at opis­yales ng Barangay Gumasa, at mediamen ang 67 sako ng basura na tinatayang tumitimbang ng 600 kilo at maayos itong naitapon ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).   

Nasa ikawalong taon na ang SarBay Festival na dinarayo ng libo-libong turista mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa para masaksihan ang malinis na dalampasigan ng Sarangani at magsilahok sa water sport activities sa Gumasa na kapantay sa istandard ng mga pangunahing lugar pangturismo ng Pilipinas.

Sa taong ito, itinaguyod ng SMI ang coastal clean-up sa SarBay Festival na nagpapakita sa pangako nitong protektahan ang pinagkukunan ng tubig sa rehiyon.

Ayon kay John B. Arnaldo na External Communications Manager ng SMI na pinasalamatan niya ang mga organisador ng SarBay Festival sa pagpayag na maging katambal ang SMI sabay idiniin sa mga nagboluntaryo ang halaga ng kalinisan at wastong pangangasiwa sa basura.

BARANGAY GUMASA

DEPARTMENT OF TOURISM

EXTERNAL COMMUNICATIONS MANAGER

GUMASA COVE

JOHN B

MUNICIPAL ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES OFFICE

PROVINCIAL GOVERNMENT

REGIONAL OFFICE

SARANGANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with