MANILA, Philippines - Dahil sa masamang titig ay pinagbabaril ng isang 46-anyos na lalaki ang kanyang kapitbahay na lalaki habang nakatayo kamakalawa ng gabi sa Brgy. Poblacion 4-C, Imus City, Cavite.
Ang biktima na nasawi habang ginagamot sa Our Lady of Pilar Hospital ay nakilalang si Alexander Saitanan, 45, may asawa ng #476 Dimasalang Subdivision ng nasabing lugar.
Ang suspek na agad tumakas matapos ang pamamaril ay nakilalang si Benedicto Saria, kapitbahay ng biktima.
Batay sa ulat, bago ang pamamaril dakong alas-10:00 ng gabi ay matagal na umanong may galit sa isa’t isa ang suspek at biktima dahil sa masamang titigan sa tuwing magsasalubong.