MANILA, Philippines - Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang ina at dalawa nitong anak na paslit habang kritikal naman ang isa pang 2-anyos na batang babae nang pasukin ang kanilang bahay ng hindi pa nakilalang suspek kamakalawa ng gabi sa bayan ng Tayasan, Negros Oriental.
Nasawi noon din ang mag-iinang sina Mercy Esteban Islao, nasa hustong gulang; mga anak nitong sina Larabelle, 5; at Wilfred, 6.
Ang mga biktima ay nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Kritikal naman at patuloy na inoobserbahan sa pagamutan ang isa pang anak na si Annabelle, 2-anyos na nagtamo rin ng mga saksak sa katawan.
Batay sa ulat ng NegÂros Oriental Police, bandang alas-10:00 ng gabi nang maganap ang brutal na pagpatay sa mag-iina sa loob ng kanilang bahay na matatagpuan sa Sitio Kalantaban, Tayasan ng lalawigan nang pasukin ng hindi pa nakilalang suspek na nagkataong wala ang padre de pamilÂya.
Nadiskubre lamang ang krimen, kahapon ng madaling-araw matapos na umuwi ang mister at nadatnang naliligo sa dugo at wala ng buhay ang kaniyang mag-iina.