Lalaki tinaniman ng 6 bala sa ulo

MANILA, Philippines - Isang 23-anyos na la­laki na nakilalang si Elmer Matubay ang natagpuang patay sa isang eskinita matapos pagbabarilin ng dalawang lalaki kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PO2 Roldan Cornejo, ganap na alas-2:10 ng mada­ling-araw nang makarinig ng mga putok ng baril sa gilid ng kanilang bahay sa Adarna St., Brgy. Commonwealth si  Annaliza Aguda.

Ilang sandali, isang ka­pit­bahay ang nagbatid sa kanya na isang lalaki ang duguang nakahandusay sa nasabing lugar. Agad niyang tinignan ang lugar at dito ay nakita niya ang biktima kaya’t ipinagbigay alam nito sa barangay ang insidente.

Ilang residente ang nakakita sa dalawang lalaki na mabilis na umalis sa lugar matapos ang pamamaril.

Narekober sa lugar ang tatlong piraso ng basyo ng kalibre 45 baril, isang depormadong slug at dala­wang piraso ng plastic sa­chet na naglalaman ng hi­nihinalang shabu.

Show comments