Military truck sumalpok: 9 sundalo sugatan

MANILA, Philippines - Isinugod sa ospital ang 9 na sundalo matapos ang kanilang sinasak­yang mi­litary truck ay su­malpok sa kahabaan ng highway Brgy. North Poblacion, Maramag, Bu­kidnon kahapon ng  ma­daling-araw.

Batay sa ulat, bandang alas-2:25 ng madaling-araw ay binabaybay ng M35 truck na minamaneho ng isang Staff Sergeant Tomarong na kinalululanan ng tropa ng Army’s 8th Infantry Battalion ang nasabing highway nang iwasan ang kasalubong na motorsiklo na biglang tumawid sa highway at pagewang-gewang umano sa kalye.

Iniwasan ito ng military truck dahilan upang sumalpok sa tabi ng high­way at sa lakas nang pagkakabangga ay tumilapon ang mga sundalo na nagtamo ng pagkabali ng buto bukod pa sa tinamong sugat sa katawan.

Ang mga nasugatang sundalo ay dinala sa ospi­tal para agad malapatan ng lunas.

Show comments