Mag-aamang Ampatuan, 75 pa ‘Not Guilty’

MANILA, Philippines -Naghain kahapon ng “not guilty plea” nang basa­han ng sakdal sa sala ni Quezon City Regional Trial Court  Branch 112 Judge Jocelyn Reyes-Solis ang mag-aamang sina da­ting Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr., dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., kapatid na si dating Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) Go­vernor Zalday Ampatuan at 75 na iba pa sa kasong Maguindanao massacre ng ika-58 biktima na si Reynaldo Momay.

Nabatid na noong la­mang nakaraang taon nakumpirma ng mga forensic experts na kay Momay ang natagpuang ba­hagi ng pustiso sa lugar ng krimen kaya iniutos ng Department of Justice ang pagsa­sampa ng panibagong kaso sa mga akusado base na rin sa kahilingan ng pamilya nito.

Magugunitang patu­ngo ng Comelec Office ang convoy na pinangu­ngunahan ng misis ni da­ting Buluan Mayor Ismael “Toto” Mangudadatu ka­sama ang mga mamamahayag nang harangin at pagbabarilin umano ng mga akusado sa pa­ngu­nguna ni Ampatuan Jr..

Muling itinakda ang pagpapatuloy na pagdinig nang Maguindanao massacre sa Hunyo 5.

Show comments