MANILA, Philippines - Patay na nang matagpuan sa loob ng kanyang bahay ang isang SingapoÂrean kamakalawa sa Quezon City.
Ang biktima na nagtamo ng taga sa batok ay kinilalang si Peter Lee, aka Lee Choi Ping, 50, neÂÂgosyante at residente sa no. 82 Detroit St., Brgy. PiÂnagkaisahan sa lungsod.
Pinaghahanap naman ang suspek na si alyas JR, na nasa pagitan ng 16-18 ang edad, may taas na 5’4â€na nabatid na isang buwan pa lamang helper ng biktima.
Batay sa salaysay ng driver ng biktima na si Julio Carino Jr., bago natagpuang patay ang amo dakong alas-12:44 ng tanghali ay ibinaba pa niya ang amo at ang suspek sa Solid North Bus station, bago siya magtungo sa Dau, Pampanga para ideliber ang produkto nilang soya beans.
Ayon kay SPO1 CristiÂtuto Zaldarriaga, imbesÂtigador sa kaso, si Lee ay natagpuan na lamang walang buhay sa loob ng kanyang tinutuluyan at may tama ng taga sa batok.
Tinutukoy ng isang saksi ang suspek sa alyas na JR, nasa pagitan ng edad 16-18, may taas na 5’4, nakasuot ng kulay violet na t-shirt at gray na jersey short pants.
Sinasabing si JR ay isang buwan pa lamang naglilingkod sa negosÂyante bilang helper matapos na ipakiusap ng isang labandera ng pamilya.
Sabi ng driver ng biktima na si Julio Carino Jr., bago niya natagpuan ang katawan ng biktima, alas-4:20 ng hapon ay ibiÂnababa pa niya ang amo at ang suspek sa Solid North bus station, pasado alas-12:00 ng tanghali bago siya magtungo sa Dau, Pampanga para ideliber ang produkto nilang soya beans.
Pagkabalik ni Carino sa bahay ng amo, galing sa pagdedeliber ng soya beans sa Pampanga ay nabulaga na lang siya nang abutan ang biktima na nakahandusay sa receiving area na may sugat sa batok, at wala na rin ang nasabing suspek.
Sinabi ni Carino sa otoriÂdad, nitong Sabado ay nakiÂkiusap umano si JR sa amo na bumale ng suweldo, pero hindi pinagbigyan ng biktima dahil katatapos lang nitong bumale at nabatid na pinagalitan pa ng biktima noong Linggo ang suspek sa hindi pa malamang kadaÂhilanan.
Nawawala din ang piÂtaÂka ng biktima na naglalaman ng hindi madetermiÂnang halaga ng pera at gamit na Iphone 4 nito na piÂnaniniwalaang tinangay ng suspek.