^

Police Metro

Singaporean inatado ng helper

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay na nang matagpuan sa loob ng kanyang bahay ang isang Singapo­rean kamakalawa sa Quezon City.

Ang biktima na nagtamo ng taga sa batok ay kinilalang si Peter Lee, aka Lee Choi Ping, 50, ne­­gosyante at residente sa no. 82 Detroit St., Brgy. Pi­nagkaisahan sa lungsod.

Pinaghahanap naman ang suspek na si alyas JR, na nasa pagitan ng 16-18 ang edad, may taas na 5’4”na nabatid na isang buwan pa lamang helper ng biktima.

Batay sa salaysay ng driver ng biktima na si Julio Carino Jr., bago natagpuang patay ang amo dakong alas-12:44 ng tanghali ay ibinaba pa niya ang amo at ang suspek sa Solid North Bus station, bago siya magtungo sa Dau, Pampanga para ideliber ang produkto nilang soya beans.

Ayon kay SPO1 Cristi­tuto Zaldarriaga, imbes­tigador sa kaso, si Lee ay natagpuan na lamang walang buhay sa loob ng kanyang tinutuluyan at may tama ng taga sa batok.

Tinutukoy ng isang saksi ang suspek sa alyas na JR, nasa pagitan ng edad 16-18, may taas na 5’4, nakasuot ng kulay violet na t-shirt at gray na jersey short pants. 

Sinasabing si JR ay isang buwan pa lamang naglilingkod sa negos­yante bilang helper matapos na ipakiusap ng isang labandera ng pamilya.

Sabi ng driver ng biktima na si Julio Carino Jr., bago niya natagpuan ang katawan ng biktima, alas-4:20 ng hapon ay ibi­nababa pa niya ang amo at ang suspek sa Solid North bus station, pasado alas-12:00 ng tanghali bago siya magtungo sa Dau, Pampanga para ideliber ang produkto nilang soya beans.

Pagkabalik ni Carino sa bahay ng amo, galing sa pagdedeliber ng soya beans sa Pampanga ay nabulaga na lang siya nang abutan ang biktima na nakahandusay sa receiving area na may sugat sa batok, at wala na rin ang nasabing suspek.

Sinabi ni Carino sa otori­dad, nitong Sabado ay naki­kiusap umano si JR sa amo na bumale ng suweldo, pero hindi pinagbigyan ng biktima dahil katatapos lang nitong bumale at nabatid na pinagalitan pa ng biktima noong Linggo ang suspek sa hindi pa malamang kada­hilanan.

Nawawala din ang pi­ta­ka ng biktima na naglalaman ng hindi madetermi­nang halaga ng pera at gamit na Iphone 4 nito na pi­naniniwalaang tinangay ng suspek.

vuukle comment

BIKTIMA

CARINO

DETROIT ST.

JULIO CARINO JR.

LEE CHOI PING

PAMPANGA

PETER LEE

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with