MANILA, Philippines - Naglatag ng proseso ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga Taiwan authorities na sumang-ayon sa isasagawa nilang imbestigasyon kaÂugnay sa pagkamatay ng isa nilang mamamayan na nabaril ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na pumasok sa BaÂlintang Channel nang walang permiso mula sa pamahalaan.
Alinsunod sa kasunÂduan, uunahin muna ang pagsasagawa ng balÂlisÂtic examination o pagsuÂsuri sa mga armas na ginamit sa Balintang ChanÂnel incident na nagÂtapos sa kamatayan ng mangingisdang si Hung Shih Chen.
Ayon kay NBI DeÂputy Director Virgilio Mendez, matapos ang balÂlistic examination ay susunod na susuriin ang mga sasakyang pandagat na sinakyan ng mga perÂsonnel ng Philippine Coast Guard o PCG.
Ang mga susunod aniÂyang gagawin matapos ang naturang proseso ay saka pa lamang nila taÂtaÂÂlakayin sa susunod na gagawin ng mga imÂbestigador ng Taiwan.
Handa rin aniya silang ipakita sa Taiwanese inÂvesÂtigators ang video fooÂtage sa nasabing insiÂdente.
Kasama sa mga humaÂrap sa pagpupulong kanina ay sina Mendez, Atty. Art Aviera ng Manila Economic Cooperation o MECO, Taiwan chief prosecutor Lin Yen Liang at iba pang opisyal ng NBI at Taiwan.
Hindi pa naman matiÂyak ng NBI kung gaano katagal mananatili sa PiliÂpinas ang Taiwanese investigators, subalit ang inisyal na usapan ay 3 araw lamang na maaari pang mapalawig.
Kabilang sa mga imÂbesÂtigador ng Taiwanese ay sina Investigator proÂsecutors Lin Yeng Liang; Liu Chia Kai; Tseng Shih Che; Chang Hung Jui; investigators Lee Jia Jinn, forensic; Lee Jing Wei, firearm at Lin Guh Tyng, technician.