MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang jeepney driver ng daÂlaÂwang hindi pa nakikilalang riding-in-tandem habang ang biktima ay nagpapa-gas sa isang gasoline staÂtion sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.
Ang biktimang si Carlos Deocariza, 28 ng Bagong Silang Caloocan City ay dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center.
Ayon kay SPO1 Joselito Gagaza, may-hawak ng kaso, ang insidente ay naganap dakong alas-5:00 ng hapon sa Flying V gasoline station sa Philcoa, Old Capitol Suite, Diliman, Quezon City.
Sinabi ni Edmund Estacio, isa sa mga nakakita sa insidente, habang nagpapakarga ng gas ang biktima nang dumating ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo.
Paghinto ng motorsiklo, agad na bumaba ang angkas nito at nagbunot ng baril saka supresang pinagbabaril ang walang kaalam-alam na biktima.
Matapos ang pamamaril ay agad na sumakay ang suspek sa kanilang get away at pinaharurot ito patungo sa Eliptical Road papalayo.
Nakuha ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo ng bala ng kalibre 45 baril. Hindi pa batid ang motibo ng krimen.