MANILA, Philippines - Utas ang dalawang karnaper matapos makipagbarilan sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ilang minuto maÂkaraan nilang tangayin ang motorsiklo ng isang barangay tanod at manghablot pa ng bag ng isang giÂnang sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay QCPD director Sr. Supt.. Richard Albano, hindi pa nakikilala ang dalawang napatay na karnaper na ang isa ay tinatayang may taas na 5’5, nakasuot ng puÂting t-shirt at kulay asul na shorts na may tattoo na “Imelda†sa kanang dibdib, “Jacklyn†sa kaliwang dibdib at “Lano†sa kanyang sikmura.
Habang ang isa ay may taas ding 5’5, payat, moreno, nakasuot ng puÂting t-shirt at comouflage na pantalon, may tattoo na “Romano Santos†sa kanyang kanang katawan.
Sinabi ni Albano, nasawi ang dalawa makaraang makaingkwentro ang mga tauhan ni Supt. Norberto Babagay ng Police Station 11 na nagpapatrulya sa bahagi ng Doña Imelda sa lungsod.
Sa imbestigasyon, lumilitaw na nangyari ang ingkwentro sa kahabaan ng Sto. Tomas, corner CorÂdillera St., Brgy. Don Manuel, ganap na alas-2:00 ng madailng araw.
Bago ang barilan, sinasabing tinangay muna ng mga suspek ang kulay itim na motorsiklo ng barangay tanod na si Ryan Abayan, 24, malapit sa kanyang bahay sa Santol St., Brgy. Santol sa lunsod.
Pagsapit ng mga suspek sa Brgy. Doña Imelda ay natiyempuhan naman ng mga ito ang biktimang si Mary Grace Beltran, 28, isang factory worker at kanilang inagawan ng bag na naglalaman ng cell phone, pera at mabilis na tumakas.
Ang insidente ay kaÂagad namang nakarating sa kaalaman ng PS-11 at agad na itinawag sa mga nagpapatrulya nilang tauhan na sakay ng Mobile unit QC-40 para magsagawa ng follow-up opeÂration.
Ilang sandali, nakita ng mga awtoridad ang isang motorsiklo na walang plaka at sakay ang dalawang suspek kaya agad na sinita pero sa halip na huminto ay mabilis na pinatakbo ang motor at nagkaroon ng running-gun-battle na nagresulta ng pagkamatay ng dalawa. Nakuha sa mga suspek ang dalawang kalibre 45 baril na kanilang ginagamit sa pandarambong.