^

Police Metro

Trader at ka-live in todas sa pamamaril

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang negosyante na may-ari ng isang hardware at live-in partner nito habang dalawang katiwala ang nasugatan nang paulanan ng bala ang kanilang bahay ng mga hindi pa kilalang mga suspek sa Kidapawan City, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang  sina Kenneth Gelloriza at Gina Bayhon, may-ari ng Donamae Hardware; pawang nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang nasugatan ang dalawang ka­tiwala na sina Ivy Peñalosa at Faith Peña­florida.

Batay sa ulat, bandang alas-10:30 ng gabi ay kararating lamang ng mag-live in sa kanilang bahay nang biglang sumulpot ang isang motorsiklo na sakay ang dalawang lalaki at paulanan ng bala ang kanilang bahay at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas.

Narekober sa lugar mga nagrespondeng operatiba ng pulisya ang mga basyo ng bala ng M16 rifle na siyang ginamit sa pamamaslang.

Nabatid na si Bayhon ay dating misis ng isang opisyal ng militar pero nagkahiwalay ang mga ito hanggang sa makisama kay Gelloriza.

Dalawa ang anggulong sinisilip ng mga otoridad sa kaso, una ay alitan sa negosyo at ikalawa ay personal na alitan.

vuukle comment

DONAMAE HARDWARE

FAITH PE

GINA BAYHON

IVY PE

KENNETH GELLORIZA

KIDAPAWAN CITY

NORTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with