MANILA, Philippines -Aabot sa P155 milyon ang utang ng National CaÂpital Regional Police Office kuryente sa lahat ng district headquarters at istasyon sa Metro Manila.
Ito ang inamin ni Sr. Supt. Rene Aspera, hepe ng RegioÂnal Logistics Division ng NCRPO, taong 1995 pa nang mag-umpisa ang pagÂkaÂkautang ng pulisya sa Manila Electric Company (Meralco).
Sinisikap naman umaÂnong masolusyunan ng paÂmuÂnuan ng PNP upang hindi maapektuhan ang kaÂÂniÂlang mga operasyon sakaling maputulan ng kurÂyente kabilang ang pinirÂmaÂhang “memorandum of agreement†sa panahon ni dating PNP Chief, Director General Nicanor Bartolome sa pagitan ng Meralco noong nakaraang taon ng sistema ng pagbabayad. Nabatid na sasagutin ng NCRPO ang P2 milyon sa P8 milyong pagÂkakautang ng Manila Police District sa konsumo sa tubig sa MayÂnilad upang maibalik na muli ang supply ng tubig.
Ipinaliwanag pa nito na ang magiging balanse na utang sa tubig ng MPD ay magiging pasanin na ng nasabing tanggapan at kinaÂkailangan buwan-buwan na nila itong babayaran.
Hindi lang ang MPD ang baon sa utang sa tubig. May pagkakautang rin umano ang Northern Police District na aabot sa P4-milÂyon kung saan naputulan na rin ito ng supply. Mayroon ding utang ang QCPD na aabot din sa milÂyon at ilang istasyon sa SPD partiÂkular sa Makati. Wala naÂmang utang ang EPD dahil sa sinasalo ng lokal na pamaÂhalaan ang gastusin.