MANILA, Philippines -Mismong sa loob ng kanyang bahay pinaslang ang isang political leader ni incumbent Rizal, Antipolo City Mayor Nilo Leyble makaraang barilin sa mukÂha ng isang hindi pa nakikiÂlaÂlang suspek kamakalawa ng gabi sa nasabing lungsod.
Kinilala ang nasawi na si Rina Gabuna Junio, 50-anyos, Antipolo City AnÂnex 3 Officer-In-Charge na nagtamo ng isang tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa kanang mata at nalagutan ng hiniÂnga habang nilalapatan ng lunas sa Antipolo District Hospital.
Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi nang paÂsukin ng hindi nakiÂlalang suspek si Junio sa kanÂyang bahay sa Cogeo Gate 2, Padilla, ng naturang lungsod at agad na binaril.
Ayon sa anak ng biktiÂma na si Elijah Job Junio, nasa kapitbahay siya nang makarinig ng isang putok ng baril at may nagsabi sa kanya na binaril ang ina.
Nang puntahan niya ang bahay ay nakita niya ang ina na duguang nakalugmok sa sala.
Nabatid na si Junio ang ikatlo na umano’y lider ni Mayor Leyble na napaÂpaslang mula nang mag-umÂpisa ang kampanya.
Unang napaslang sina Dick Taneo na binaril haÂÂbang nagpapatugtog ng campaign jingle at AnÂgeÂlito San Pablo na binaÂril habang nagsasalita sa isang “post election rallyâ€.
Nabatid na tinalo ni outÂgoing Rizal Governor Junjun Ynares sa pagka-alkalde ng Antipolo City si Leyble na nagsampa naman ng “election protest†sa ComÂmission on Elections (Comelec) dahil sa akusasÂyon ng pandaraya.