Landmine attack: 8 sugatan

MANILA, Philippines -Nasugatan ang limang sundalo  kabilang ang dalawang babae at tatlong sibil­yan matapos sumambulat ang itinanim na landmine ng mga rebeldeng New Peo­ple’s Army (NPA) sa kahabaan ng Mawab-Tagum Road, Brgy. Magdum, Tagum City, Davao del Norte kahapon ng umaga.

Kinilala ni Lt. Col. Michael Logico, Commander ng Army’s 66th Infantry Battalion (IB) ang mga na­sugatang biktima na sina PFCs Joseph Mendio; Ryan Torena; Erwin Cordero; Lovie Joy Semil­lano; Bai Johana Durado at dependent ng sundalo na si Gina Gubantes at dalawang iba pa na hindi nakuha ang pangalan na isinugod sa Tagum Doctors Hospital.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga ay bumabagtas sa KM 45 ang military vehicle na sina­sakyan ng mga biktima sa kahabaan ng highway nang biglang sumambulat ang landmine.

Show comments