7-anyos nalasog sa tren

MANILA, Philippines -Natanggal ang ulo’t kamay ng isang 7-anyos na batang lalaki matapos itong masagasaan ng tren habang tumatawid kamakalawa ng gabi sa Blumentritt Station, Sta.Cruz, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Elizar Entong ng 2246 Laguna St., Rizal Avenue, Sta. Cruz na nakaladkad ng tren kaya’t natanggal ang ulo’t kamay nito.

Batay sa ulat, bandang alas-6:37 ng gabi nang masagasaan ng southbound na tren ng PNR ang biktima.

Nabatid na naglalaro ang bata nang ito ay tuma­wid sa riles at hindi napapansin  ang paparating na  tren ng PNR na magbababa ng mga pasahero sa Blumentritt Station.

Sinasabing natutulog umano ang ina ng bata nang yayain ng kanyang mga kalaro sa riles ng tren.

Show comments