Driver ng solon itinumba

MANILA, Philippines -Itinumba ng isa sa dalawang sakay ng mo­­tor­siklo ang isang ta­uhan ni Caloocan City Congressman elect Egay Erice kamakalawa ng gabi sa  Caloocan City.

Namatay noon din ang biktima dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan na kinilalang si Allan Za­panta, 42, ng A. Bato St.,  ng  lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-6:50 ng gabi ay ka­­sasakay pa lang ng bik­tima sa isang multi-cab (JPZ-221) malapit sa kanyang bahay upang sunduin ang kapatid na isang kagawad.

Biglang sumulpot ang mga suspek na sakay ng Yamaha Mio-Soul walang plaka at pawang naka-full face helmet at pinagbabaril ang biktima, na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Ayon sa pulisya, na­batid na nagsilbing driver ang biktima noong kam­pan­yahan ni Egay Erice at inaalam kung may bahid-pulitika ang motibo.

Show comments