Motor sumingit, angkas napisak ng trak

MANILA, Philippines -Nasagasaan ang ulo ng isang babae na angkas sa motorsiklo nang matumba ito matapos na masagi ng ten wheeler truck matapos sumingit kahapon ng umaga sa Quirino Highway, San Andres Bukid, Maynila.

Ang biktima na idinek­larang dead-on-arrival sa Ospital ng Maynila ay nakilalang si Jovelyn Ma­rial Ladio habang sumuko   naman ang suspek na si Tito Villanueva, 37 ng 25 B-Ilang-Ilang St., Lower, Bicutan, Taguig City,  driver ng ten wheeler truck (UVE-735).

Batay sa ulat, alas-11:30  ng umaga ay tinatahak ng mga biktima ang northbound ng Quirino Avenue sakay ng kanilang kulay pulang Honda TMX nang sumi­ngit sa unahang trak na na­ging dahilan para ma­bangga ang  kanang bahagi ng motor kaya pumihit  pakaliwa, subalit nawalan ng balanse dahilan upang  sumemplang  ang biktima at nagulungan ang  ulo na walang suot na helmet.

Show comments