MANILA, Philippines -Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang 58-anyos na si Maria TheÂresa Luz ng Forbes Park, Makati City dahil sa tinaÂmong internal injuÂries habang ang driver nitong si David Erosel ay nasugatan matapos buÂmaliktad ang kanilang Mazda 3 (TQY-178) sa South Luzon Expressway (SLEX) malapit sa Sucat Exit sa Parañaque City kamakalawa ng alas-11:08 ng gabi.
Batay sa ulat, bumangÂga sa gutter ang gulong ng itim na Mazda 3 na miÂnamaneho ni Erosel hanggang sa mawalan ng kontrol at bumaliktad.
Nasawi naman sina Gary Ramos, helper at Nilo Ibayan, 38, pasahero ng Victory Liner bus (CVS-673) habang suÂgaÂtan ang siyam na kaÂtao matapos araruhin ng bus ang dalawang nakaÂparadang dump truck (UHC-494) sa kaÂÂhabaan ng North LuÂzon ExÂpressway (NLÂEX) sa Caloocan City kaÂmaÂkaÂlawa ng gabi.
Batay sa ulat ng CalooÂcan City Police, Traffic Bureau, naganap ang inÂÂsiÂdente dakong alas-10:30 ng gabi sa kahabaan ng NLEX ng naturang siyudad.
Nabatid, na nakaÂparada ang dalawang dump truck sa naturang lugar, nang araruhin ito ng bus na minamaneho ni Amado De Guzman.
Napuruhan si RaÂmos habang inaayos nito ang kahoy na stopper ng naÂÂÂtuÂrang dump truck at naÂpitpit naman sa loob ng bus si Ibayan.