Habang nagmimeryenda sa restoran… lady estate broker binoga sa ulo
MANILA, Philippines - Inasinta ang ulo ng isang ginang na real estate broker matapos itong barilin ng isa sa dalawang lalaking suspek sa loob ng isang restoran kaÂmakalawa ng hapon sa Parañaque City.
Idineklarang dead-on-arrival sa Parañaque Medical Center ang bikÂtimang si Josephine SarÂmiento, ng #20 Pilar BanÂzon St., BF Homes ng lungsod.
Batay sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon sa loob ng Pancake House ResÂtaurant na nasa kaÂhabaan ng President Avenue sa BF Homes ay kasama ng biktima ang mga kaibigan na nagmeÂmeryenda.
Tumayo ang dalawang susÂpek na nagpanggap na mga customer na nakaupo sa kalapit na mesa ng bikÂtima at bumunot ng baril at pinaputukan ng dalawang ulit sa ulo ang ginang.
Kaswal na naglakad palabas ng restoran ang mga suspek patungo sa nakaparada nilang moÂtorsiklo at nagpaputok pa ng isa pataas bago mabilis na tumakas patungo sa hindi nabatid na lugar.
Hindi pagnanakaw ang motibo sa pamamasÂlang dahil wala isa man sa mga gamit ng biktima ang tinangay ng mga susÂpek.
Inaalam na ngayon ng mga imbestigador kung may kinalaman sa trabaho ng biktima bilang real estate agent ang pagpatay sa kanya.
- Latest