^

Police Metro

NIA director paiimbestigahan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Paiimbestigahan ng isang contractor si Natio­nal Irrigation Authority (NIA) Region 11 Director Modesto Membreve dahil sa panghihingi umano ng komisyon para sa isang multi-milyong pisong proyekto sa patu­big pero hindi naman ibi­nigay sa complainant ang kontrata.

Sa reklamong ipinarating ni William Chu, ng Leyte, sa NIA main office, sinabi nito na humingi ng advance na P1.5 milyon commission si Membreve noong Marso para sa P40 million irrigation rehabilitation sa Davao na kanyang nasasakupan.

Matapos makapagbigay si Chu ng P1.5 mil­yon ay humirit pa umano ito ng P2 milyon, subalit ma­tapos makapagbigay ng advance, ibinigay umano ni Membreve ang proyekto sa kaibigang babaeng contractor na taga Butuan City at hindi sa una.

Hiling lang ni Chu na ibalik ni Membreve ang P3.5 milyon na ini-advance nito sa kanya dahil kaila­ngan daw nito ang pera na pampagamot sa kanyang asawa na may karamdaman ngayon.

Wala pang reaksyon ang tanggapan ni NIA Administrator Antonio Nangel sa nasabing reklamo pero ayon sa mga staff niya hindi ito ang unang reklamo laban kay Membreve.

Sinasabing si Membreve ay dating director ng NIA sa Caraga Region su­balit ipinalipat ito ng isang mambabatas sa labas ng naturang rehiyon dahil sa mga kuwestiyonable umanong mga transaksiyon kaugnay
pa rin sa mga proyekto sa lugar.

 

vuukle comment

ADMINISTRATOR ANTONIO NANGEL

BUTUAN CITY

CARAGA REGION

CHU

DIRECTOR MODESTO MEMBREVE

IRRIGATION AUTHORITY

MEMBREVE

SHY

WILLIAM CHU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with