^

Police Metro

50 katao nalason sa puto

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naratay sa Southern Philippines Medical Center ang may 50 katao na karamihan ay mga bata  matapos na umano’y malason sa kinaing puto na gawa sa kamoteng kahoy na napulot ng mga ito sa isang landfill sa Davao City.

Batay sa ulat noong Huwebes ng gabi ay mistulang piyesta na pinaghatian at kinain ng mga biktima ang sangkaterbang puto na napulot ng mga ito sa landfill ng Carmen Tugbok District ng lungsod.

Gayunman, ilang oras matapos makain ang puto umpisa nitong Biyernes ng umaga ay isa-isa ng dumaing ng pananakit ng tiyan, ulo, pamamanhid ng katawan, pagsusuka at matinding pagkahilo ang mga biktima.

Agad silang isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas  kung saan karamihan sa mga biktima ay mga bata na nagkakaedad, siyam hanggang anim.

Pinaniniwalaan namang kontaminado o panis na ang putong nakain ng mga biktima at nagpa­kuha na rin ng sample ng mga puto ang mga health officials upang mabatid ang pagkalason ng mga ito.

 

BATAY

BIYERNES

CARMEN TUGBOK DISTRICT

DAVAO CITY

GAYUNMAN

HUWEBES

NARATAY

SOUTHERN PHILIPPINES MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with