^

Police Metro

Araw-araw 12 Pinay ang namamatay sa cervical cancer

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihayag ni Dr.  Eduardo C. Janairo Jr., director ng Department of Health-National Capital Region na base sa pinalabas na datos ng Philippine Cancer Facts and Estimates  noong  2010 na ang cervical cancer o ang  cancer of the cervix  ay  ikalawang common cancer sa kababaihan.

Lumilitaw  na mayroong 6,000 new cases  ng  cervical cancer taun-taon at 12 Pinay ang umanoy namamatay araw-araw.

Napag-alaman din na sa buong mundo ay 500,000 kababaihan ang na-diagnosed na may cervical cancer at sa naturang bilang 250,000 ay inulat na namatay worldwide at 80% ay nasa  umuunlad na bansa.

Wala umanong nakikitang sintomas sa unang stage ng cervical cancer ngunit sa katagalan ay nakikitang sen­yales nito ay ang pagkaka­roon ng abnormal vaginal bleeding, na kadalasan ay nagaganap matapos ang pa­kikipagtalik at abnormal vaginal discharge.

Ang cervical cancer ay sanhi  ng  human papilloma virus (HPV),  karaniwan na rito ang sexually transmitted infection sa kalalakihan at kababaihan, sinasabing naisasalin ito sa pamamagitan ng through skin-to-skin contact, hindi rin umano kailangan ang intercourse upang mailipat ang virus nito.

Sinabi ni Dr. Janairo na karaniwang mas apektado ng cervical cancer ay mga kabataang babae na sumasapit sa edad na 30 pataas.

Pinawi rin ni Dr. Janairo ang pangamba ng kababaihan na walang dapat na ika­takot sa cervical cancer dahil sa mayroon aniyang lunas sa naturang sakit lalo na kung maagang matutukoy at magagamot.

 

CANCER

CERVICAL

DR. JANAIRO

EDUARDO C

INIHAYAG

JANAIRO JR.

PHILIPPINE CANCER FACTS AND ESTIMATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with