MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang 13-anyos na biÂnaÂtilyo matapos itong tamaan ng kidlat habang naliligo sa isang ilog malapit sa kanilang bahay kamakalawa sa General Santos City.
Ang nasawi ay kiniÂlalang si Aldrin HerolaÂga, residente ng Purok 2, Buayan, General Santos City.
Batay sa ulat, nagtungo sa Buayan River ang biktima para maligo kasama ang kaniyang mga kaibiÂgan.
Habang masayang nagÂlalangoy sa ilog ay bigla na lamang umulan ng malakas kaya sumiÂlong muna ito sa ilalim ng puÂnongkahoy pero nang kuÂmidlat ay nasapul ito sa katawan.