Belmonte mananatiling House Speaker

MANILA, Philippines - Mananatili pa rin ang tiwala ng Mababang Kapulungan sa liderato ni House Spea­ker Sonny Belmonte ka­ya’t tiyak na mananatili ito sa puwesto sa 16th Cong­ress.

Ito ang pag-amin ni Assistant Minority Lea­der at Leyte Rep. Martin Romouldez, dahil sa bukod umano sa ran­king member ito ng Liberal Party (LP), hindi rin maitatangging nakapag-deliver si Belmonte nitong 15th Congress ng mga legislative agenda ng Malacañang.

Inihalimbawa ng mam­babatas ang ilan sa priority bills ng Palasyo kabilang na ang kontrobersyal na Reproductive Health (RH) bill na naipasa ng Kong­reso.

Gayundin ang pagpapaliban ng halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at ang impeachment kay dating Supreme Court (SC) chief Justice Renato Corona.

Pero anya, hindi ibig sabihin na walang isa sa mga beteranong kongresista ang magdedesisyong tapatan si Belmonte sa pag­ka-Speaker.

Show comments