Ginang kinompronta ang nambatok sa anak, inutas
MANILA, Philippines -Sa halip na humingi ng paumanhin ay saksak pa ang ibinigay sa isang 27-anyos na ginang ng isang lalaki na bumatok sa anak ng una kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Mary Johnston Hospital ay nakilalang si Sheila EbÂdane, nakatira sa isang imÂprovised na kariton na nakaparada sa Juan Luna St., Tondo sanhi ng saksak sa katawan.
Pinaghahanap naman ang suspek na isang lalaÂking nagtitinda ng pakwan, nasa 40-45-anyos.
Batay sa ulat, bago naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng hapon sa kanto ng Juan Luna at Chacon Sts., Tondo ay nagsumbong ang anak ng biktima na si Hazel, 11-anyos tungkol sa umano’y madalas na pambabatok ng suspek.
Kaya’t pinuntahan ng biktima ang suspek sa kanyang puwesto at kinompronta ito, subalit imbes na humingi ng paumanhin ay kumuha ng kutsilyo sa ilalim ng kanyang kariton ang huli at patraydor na sinaksak ang una at pagÂkatapos ay mabilis na tumaÂkas.
- Latest