MILF member tinodas sa Quiapo underpass

MANILA, Philippines - Isang lalaki na uma­no’y miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang malapitang binaril sa ulo habang naglalakad sa Quiapo underpass sa Maynila  kahapon ng hapon.

Ang biktima na  namatay noon din ay nakila­lang si Datson Pillas Y Guap­los, 35, ng Balatican, Maguindanao, batay sa nakuha sa kaniyang dalawang ID.

Ang suspek na kaswal lang naglakad papalayo ay inilarawan na  nasa pagitan ng 35-40 ang edad, nakasuot ng maroon na t-shirt na may collar, naka­suot ng maong pants, rubber shoes, na armado ng kalibre .45 baril patungo sa Islamic Center  sa Quiapo.

Batay sa ulat, dakong alas 2:30 ng hapon, nang makarinig ng isang ma­lakas na putok ng baril ang mga vendor sa underpass sa R. Hidalgo St. Quezon Boulevard, Quiapo.

Isang vendor ang na­ka­kita na pababa ng underpass ang biktima nang sabayan ng suspek at pinaputukan sa ulo.

Show comments